Ni: Yas D. Ocampo

Binaril at pinatay ng awtoridad ang kamag-anak ng umano’y Leyte drug lord na si Kerwin Espinosa sa joint police operation nitong Miyerkules.

Ayon kay Toril police chief C/Insp Ronald Lao, napatay sa operasyon si Jake Bolanio dela Cruz, alyas Leonard Bolanio dela Cruz, na kasal sa kapatid ni Espinosa na si Marie.

Si Dela Cruz ay tubong Sitio Tinago, Barangay Beholho, Albuera, Leyte.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Nagsanib-puwersa ang mga tauhan ng Toril precinct ng Davao City Police Office, Police Regional Office XIII, Criminal Investigation and Detection Group XI, at ang Regional Intelligence Unit (RIU) XI sa pag-aresto sa suspek na nahaharap sa limang kaso.

Kabilang sa mga kaso ay ang murder, drug-related charges, at illegal possession of firearms.

Nakatakda sanang ihain ng grupo ang warrant sa Purok 15, Bgy. Bato, Upper Piedad, Toril, bandang 10:00 ng umaga.

Sinabi ng pulis na si Dela Cruz ang nagpasiklab ng gulo.

Nakuha mula sa suspek ang isang Ingram machine pistol.