Dingdong at Direk Dominic sa set copy

SIMULA nang i-annouce ng GMA Network ang pagbabalik ni Dingdong Dantes as Alyas Robin Hood sa primetime block, maraming sumubaybay na viewers sa book one ang hindi na makapaghintay sa pag-ere nito.

Ayon sa director ng action series na si Dominic Zapata, handang-handa na sila sa mas suwabeng pagbabalik ni Pepe at ipakikita nila rito ang ibig sabihin ng “think outside the box” creativity lalo pa’t mas maraming artistang nadagdag at lalo naging kakaiba ang plot.

Sa katunayan, ngayong gabi na ang grand media launch ng Alyas Robin Hood sa Le Reve Events Place at sa Lunes, August 14 na ang premiere telecast nito!

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Pero bago sila mapanood sa telebisyon, magpapakilig muna nang live ang cast na binubuo nina Solenn Heussaff, Andrea Torres, Ruru Madrid, Dave Bornea, Lindsay de Vera at Rob Moya sa Kapuso Mall Show sa SM City del Monte Bulacan sa Linggo, Agosto 13, simula 5PM. Kita-kits, mga Kapuso!