Ni: PNA

SA Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministerial Meeting, nabigyan ng pagkakataon ang mga panauhin at delegado sa live na demonstrasyon ng paggawa ng “cacao de bola”, kung saan gumamit si Racquel Choa, ang tinaguriang “Queen of Chocolate”, ng tablea, isang purong uri ng tsokolate.

Ayon kay Edu Pantino, chairperson ng Philippine Cacao Industry Council (PCIC), kung mayroong “queso de bola” ang Europa, ipinagmamalaki namang ipakilala ng Pilipinas ang “cacao de bola” sa mga bansang kasapi ng ASEAN at sa mundo dahil ito ang kauna-unahang uri nito sa daigdig.

“Cacao is a very interesting crop. It’s not endemic to the Philippines but it was introduced by the Spaniards courtesy of the Mexicans. Was it brought in 1521? Part of our brand is actually Cacao Filipinas 1521. It’s a significant year in Philippine-Spanish history but the cacao was only brought around 1617. Five years after the request was granted for cacao to be planted in the country and the first cacao was planted in San Jose, Batangas,” paliwanag ni Pantino.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

Sa paggawa ng cacao de bola, ang kailangan ay cacao na 50 hanggang 70 porsiyentong hinog, dahil ang hinog na hinog nang cacao ay tumutubo at nakaaapekto sa lasa ng tsokolate, ayon kay Pantino.

“This is a very labor intensive process since every step from selecting, sleeving, pruning, shelling, winnowing and pounding are all done by hand especially the shaping of the cacao ball are all done by hand,” saad ni Pantino.

Dagdag pa ni Pantino, “Cacao de bola making is very woman friendly. It is not complicated but it benefits literally from a woman’s touch throughout the entire process. What we’re telling you is that you don’t have to invest in sophisticated machines to come up with the cacao de bola, a creation which showcases the savory side of chocolate.”

Nagsisimula ang proseso sa pagpili ng mga buong buto ng cacao, sunod ay ilalagay ang mga ito sa lusong, at didikdikin gamit ang pestle.

Ayon kay Pantino, ang pinapatubo nilang cacao ay mataas ang fat-content, mahigit 58 porsiyento ang taas kumpara sa mga karaniwang bunga ng cacao.

Habang dinudurog ang mga buto, naglalabas ng init ang pagdikdik na nakapagpapalabas sa cocoa butter, kaya nagiging malapot at mahalimuyak ang bango ng tsokolate.

Sinabi ni Pantino na kumikita nang malaki sa cocoa butter dahil ito ang kinakatas ng malalaking kumpanya upang makagawa ng magagandang lotion dahil natutunaw agad ang cocoa butter sa 34-37 degrees Celsius o sa init na nagmumula sa katawan.

Sa oras na naging dough na ang dinurog na buto ng cacao, binibilog ito gamit ang kamay, pagkatapos ay palalamigin na, at magiging cacao de bola. Maaari na itong kainin, o kaya nama’y maaaring kadkadin at ilagay sa kanin, pasta, o kape.

Bukod sa cacao de bola, ipinakilala rin ang pagpipinta gamit ang tsokolate. Ipinakita ni JP, anak ni Pantino, kung paano maaaring gamitin ang chocolate sa paglikha ng monochromatic paintings.

“JP is being trained to perfect the art of chocolate painting. When he masters it, we will also teach others about this wonderful art form,” ani Pantino.

Dadalo rin sina Choa at Pantino sa kauna-unahang Philippine National Congress for Cacao sa Cebu sa Agosto 8-9.