Ni: Bella Gamotea

Nagbigay ng pabuya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilang traffic enforcer para sa pagsisikap ng mga itong mapaluwag ang strapiko sa EDSA.

Upang maging inspirado sa trabaho, biniyayaan ni MMDA Chairman Danilo Lim ng P15,000 halaga ng gift certificates ang mga traffic enforcer ng Northern Traffic Enforcement District, sa isang seremonya sa flag raising kahapon.

Batay sa ulat ng MMDA Traffic Engineering Center, natukoy na ang bilis ng biyahe sa EDSA — mula sa Balintawak hanggang sa Monumento — ay bumilis mula 21.28 kilometro kada oras ay naging 23.68 kilometro kada oras, o may 11.28 porsiyentong pagbilis sa daloy ng trapiko sa lugar.

DSWD, ‘to the rescue' sa viral PWD na kinuyog sa EDSA carousel

Ayon kay Lim, ang mga gift certificate ay mula sa isang pribadong sponsor.

Samantala, sinimulan na ng MMDA ang pagtanggap ng mga bagong traffic enforcer na papalit sa mga sinibak o nagretiro sa pagpapatuloy ng paglilinis ng ahensiya laban sa mga tiwaling kawani.

Aniya, ang mga matatanggap na traffic enforcer ay sasailalim sa training ng traffic management bago italaga sa mga kalye sa Metro Manila.