KABUUANG 10 eskwelahan mula sa tatlong distrito ng Davao City ang kompirmadong sasabak sa Philippine Sports Commission (PSC) Kadayawan Girls Volleyball na papalo simula sa Biyernes (Agosto 11) sa University of Mindanao (UM) Matina campus sa Davao City.

Itinataguyod din ang volleyfest ng Sports Development Division-City Mayor’s Office (SDD-CMO) at ng Department of Education (Deped)-Davao.

Kabilang sa mga kalahok sa torneo na pangangasiwaan ng Balibolista de Dabaw ang Kapitan Tomas Sr. Elementary School, Matina Central Elementary School, Kabacan Elementary School, Vicente Hizon Sr. Elementary School, V. F. Corcuera Elementary School, Tambobong Elementary School, Sirawan Elementary School, Jose Bastida Elementary School, Talandang Elementary School, at Kabacan Elementary School. “We made this competition an exclusive for elementary girls because they are often left out during Kadayawan tournaments,” pahayag ni PSC Commissioner at Officer-in-Charge Charles Maxey.

Nakalaan ang sertipiko at cash prizes para sa mangungunang tatlong koponan. Libre rin ang uniform, allowances at pagkain para sa lahat ng kalahok.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Ayon kay Maxey, ang kompetisyon ay bahagi ng grassroots program ng ahensiya, sa pamamagitan ng Philippine Sports Institute (PSI) na binuo ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Magbibigay ng kanilang mga mensahe sina Ramirez at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa opening ceremony.