Ni: Nora Calderon
KUNG busy sa business si Maine Mendoza, naging abala naman si Alden Richards nitong nakaraang Linggo sa medical mission na in-organize ng Simply Alden fan club, in partnership with the Laguna Medical Society na binubuo ng Sta. Rosa Medical Society, Cabuyao Medical Society, Los Baños Medical Society.
Pagkatapos ng second anniversary presentation ng Sunday Pinasaya, tumuloy na si Alden sa covered court ng Brgy. Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.
Umabot sa mahigit 500 pasyente at 87 daycare students ang nabigyan ng free check-up at free ECG, SCPT, cholesterol, blood sugar testing. May pediatricians at volunteer nurses sila from Qualimed at medical representatives na namigay ng mga gamot sa mga pasyente. On his part, nag-request din si Alden sa Unilab ng ini-endorse niyang Neozep at iba pang mga gamot na ipinamigay lahat sa mga pasyente.
Nagpasalamat si Alden at ang pamunuan ng Simply Alden kay Laguna Medical Society President Dr. Pelagia Consorcia Padilla at ang tumulong sa kanila para ma-icoordinate ang planning ng medical mission, sina Dr. Raylyn Cruz-Fajilan at Dr. Ferliza Basco. Based sa pictures na natanggap namin, well-organized ang medical mission at may mga pulis na nag-maintain ng peace and order sa lugar.
Labis-labis ang pasasalamat ni Alden sa kanyang Simply Alden sa pinakamalaking medical mission na nagawa nila. Umaga pa lamang kasi ay tumanggap na sila ng mga nagpa-register na mga pasyente. Nagsimula ang check-up ng 1:00PM.
Thankful din ang Simply Alden na kahit alam nilang pagod na si Alden ay tinapos pa rin ang pag-aasikaso sa medical mission. Hanggang sa last patient, saka lamang nagpaalam. Pinayuhan nga raw ng mga doctor si Alden na magpahinga at matulog, huwag namang puro work.
Congratulations Alden and Simply Alden for this humanitarian mission!