Ni JIMI ESCALA

MASAYA si Louise delos Reyes para kay Aljur Abrenica na dating na-link sa kanya at kasama na niya ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano (FPJAP), ang numero unong primetime show sa buong Pilipinas.

Sey ni Louise sa thanksgiving presscon ng FPJAP para sa kanilang ika-100 linggo sa telebisyon, unang nilang pagkikitang muli ni Aljur nang gabing ‘yun pero alam naman na niyang lilipat ito sa ABS-CBN dahil naikuwento na sa kanya ng mismong bida nila na si Coco Martin.

Louise delos Reyes
Louise delos Reyes
“Well, happy ako sa kanya kasi, right now, things are just right. Parang ngayon, magkakaroon na siya ng baby, engaged na rin sila ni Kylie (Padilla), at okey ang takbo ng career niya ngayon,” sabi ni Louise.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa birthday party ni Susan Roces nabanggit ni Coco kay Louise na papasok sa Probinsiyano si Aljur.

Open siyang makatrabahong muli si Aljur ngayon ngang pareho na silang Kapamilya. Malaki siyempre ang posibilidad na muli silang magkatambal.

Mahigit tatlong taon na ang huli nilang pagtatambal sa GMA-7.

Dahil magkasama silang muli sa Probinsyano, tiyak na muling mapag-uusapan ang naging isyu sa kanila noon. Agad nagpahayag ang dalaga na sana nga raw ay hindi na lang pag-usapan uli bilang respeto na lang kay Kylie at sa boyfriend niya ngayong si Champ Lui Pio.

“Magkaka-baby na siya. (Editor’s note: Hindi pa isinisilang nang maganap ang interbyung ito.) Parang let’s all leave that behind na lang kasi respeto na lang especially to the mother of his child,” pakiusap ni Louise.

Sinasabi na ang pagkaka-link noon ni Louise kay Aljur ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng boyfriend niya noon na si Enzo Padilla. Sey ni Louise, naipaliwanag na niya noon pa ang mga naging isyu sa kanila noon ni Aljur, huh!