Ni: Genalyn D. Kabiling

Nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta ni Moro National Liberation Front (MNL) chair Nur Misuari kaugnay ng laban ng pamahalaan sa pagpuksa sa ilegal na droga, kriminalidad at terorismo sa Mindanao.

Nangako rin si Misuari na makikipagtulungan sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao sa isinagawang pagpupulong sa Malacañang nitong Huwebes.

“The latest in a series of meetings with the MNLF leader, the President continues to forge a strong alliance with Chairman Misuari for their cooperation in the administration’s war against illegal drugs, criminality and terrorism in Mindanao,” mababasa sa isang pahayag mula sa Presidential Communications Operations Office.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Nagpulong sina Duterte at Misuari sa gitna ng mga ginagawang paraan upang matapos ang rebelyon ng Islamic State-linked militants sa Marawi City. Idineklara ang martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taon.

Inilabas kahapon ng Malacañang ang isang maikling video ng pulong nina Duterte at Misuari, kanyang misis na si Tarhata, anak na si Abdulkarim, at iba pang opisyal ng MNLF.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, tinalakay din sa nasabing pagpupulong ang usapang pangkapayapaan sa Mindanao.