Firefighters work on extinguishing a fire which engulfed the residential area in Singalong, Malate Manila before dawn.The fire put out aoriund 4:30am and reached the 5th alarm. ( Jun Ryan Arañas )
Firefighters work on extinguishing a fire which engulfed the residential area in Singalong, Malate Manila before dawn.The fire put out aoriund 4:30am and reached the 5th alarm.
( Jun Ryan Arañas )

NI: Mary Ann Santiago

Tinatayang aabot sa 26 na pamilya ang nawalan ng masisilungan sa pagsiklab ng apoy sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy sa bahay ni Lucila Cabañero sa 198-B Singalong Street, kanto ng Quirino Avenue, dakong 3:00 ng madaling araw.

National

Tabachoy na pulis, sisibakin ni Torre sa serbisyo 'pag di pumayat

Sugatan ang isang fire volunteer, hindi pinangalanan, nang mapaso ang kamay habang isinugod sa ospital ang isang babae makaraang himatayin sa nerbiyos at makalanghap ng usok.

Idineklarang under control ang sunog dakong 4:34 ng madaling araw at tuluyang naapula pagsapit ng 5:43 ng madaling araw.

Inaalam na ang kabuuang halaga ng natupok.