LOS ANGELES (Reuters) – Siyam katao ang nasugatan, isa ang malubha, sa Los Angeles nitong Linggo nang bumangga ang isang van sa isang pickup truck at tumalon sa kurbada at inararo ang isang outdoor dining area, na ayon sa mga awtoridad ay aksidente.

Walong katao ang dinala sa ospital matapos ang aksidente sa West Pico Boulevard, sinabi ng Los Angeles Fire Department sa Twitter. Ang ikasiyam na biktima, isang off-duty Los Angeles firefighter, ay hindi na nagpaospital.

“Complete accident, nothing intentional,” sinabi ni Lieutenant Jim Lewis ng Los Angeles Police Department.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo