Ni NITZ MIRALLES

BUKAS, August 2, ang sinabi sa aming bagong schedule ng first shooting day nina Barbie Forteza at Ken Chan ng Regal Entertainment movie nilang This Time I’ll Be Sweeter. Noong June 28 dapat ang first shooting day, pero iniurong dahil inayos at mas pinaganda pa ang script.

KEN AT BARBIE copy copy

Si Joel Lamangan ang director ng This Time I’ll Be Sweeter na ayon kay Barbie ay light, rom-com, may konting drama, pero ibang-iba sa hit TV show na Meant To Be. Makakasama nina Barbie at Ken sa pelikula sina Rita Avila, Ara Mina at Al Tantay as their parents, hindi pa lang alam kung sinu-sino sa kanila ang parents ng mga karakter nina Barbie at Ken.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nasa cast bilang ka-love triangle nina Barbie at Ken si Thea Tolentino at kasama rin sina Kim Rodriguez, Akihiro Blanco at Hiro Peralta. Siguradong may mga madadagdag pa sa cast kapag nagsimula na ang shooting.

Reunion project nina Barbie at Thea ang This Time I’ll Be Sweeter pagkatapos ng hit TV drama na The Half Sisters at excited na ang dalawa na muling magkatrabaho. Sabi ni Barbie, nami-miss na niyang makatrabaho si Thea at dito sa pelikula, ipagpapatuloy nila ang kanilang bangayan.

Parehong mahusay na artista sina Barbie at Ken at siguro naman, kahit for reel lang ang kanilang relasyon, dahil alam ng fans na sina Barbie at Jak Roberto ang for real, magwu-work pa rin ang tambalan nila sa pelikula. Nagawa nila ito sa Meant To Be, magagawa rin nila ito sa This Time I’ll Be Sweeter.

Ang daming successful love team na hindi magkarelasyon in real life, kailangan lang ng magandang material, magaling na director, magaling na promo at suporta ng fans.

Big factor din ang suporta ng kampo nina Barbie at Ken, sana matapos ang shooting ng walang problema, ma-promote at maipalabas ng maayos. Saka na ang away at parinigan sa social media, trabaho muna. Alalahanin ng mga nega na sina Barbie at Ken ang artista, hindi kayo!