Ni: Orly L. Barcala

Nalagutan ng hininga ang isang negosyante habang nasa kritikal na kondisyon ang misis nito nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Dead on arrival sa ospital si Glen Bernardo, nasa hustong gulang, nagtamo ng mga tama ng bala ng caliber 45 sa katawan at patuloy namang inoobserbahan ang kanyang misis na si Maricar na tinamaan sa hita, binti at iba pang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing sa isang restaurant ang mag-asawa at sumakay sa kanilang kotse na nakaparada sa Edsa, Barangay 86, Caloocan City, dakong 9:40 ng gabi.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Hindi pa man napapaandar ng mag-asawa ang kanilang sasakyan, nilapitan sila ng dalawang armado at pinagbabaril.

Ayon sa Caloocan Police, nakatanggap sila ng impormasyon na big-time financier at money launderer ng mga drug lord ang mag-asawa.