Ni: Bella Gamotea at Mary Ann Santiago

Malaki-laking pinsala ang idinulot ng magkasunod na sunog sa Pasay City at Tondo, Maynila kahapon.

Aabot sa P200,000 halaga ng ari-arian ang naabo sa pagsiklab ng apoy sa isang fastfood chain sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ni Pasay City Fire Department, Fire Marshal Supt. Carlos Dueñas, nagsimula ang apoy sa kusina ng Jollibee, sa Macapagal Boulevard, dakong 1:50 ng madaling araw.

Driver ng SUV na bumangga at kumitil sa 11 katao sa Canada, kinasuhan ng murder

Umabot sa unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong 2:59 ng madaling araw.

Samantala, sa Tondo, Maynila, tinatayang aabot sa P40,000 halaga ng ari-arian ang naabo sa pagsiklab ng apoy sa isang tindahan.

Sa ulat ng Manila Fire Department, sumiklab ang apoy sa unang palapag ng isang gusali, na nagsisilbing tindahan ng isang Raymunda Miranda, sa Argueros Street, pasado 12:00 ng hatinggabi.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula pagkaraan ng halos isang oras.

Walang iniulat na nasaktan habang patuloy na inaalam ang sanhi ng mga insidente.