ni Marivic Awitan

Kapwa inangkin ng Ateneo de Manila ang 25-under 19-under titles sa katatapos na Milcu Sports Basketball Summer Showcase na magkahiwalay na idinaos s magkahiwalay na venues.

Pinataob ng Blue Eagles ang Our Lady of Fatima University. 67-50, sa finals ng 25-under na ginanap sa Lyceum of the Philippines University gym sa Intramuros habang dinurog naman ng Blue Eaglets ang Far Eastern University, 59-39 upang makopo ang 19-under crown sa labang idinaos sa Enderun College gym.

Pinangunahan ni Anton Asistio ang nasabing panalo ng Blue Eagles sa 25-under championships ng torneo na sanctioned ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa ipinoste nitong 14-puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Umiskor naman ng double-double 10-punto at 10 ding rebounds si Dave Ildefonso para manguna sa lopsided win ng Blue Eaglets kontra Baby Tamaraws.

Bunga ng nasabing tagumpay, inasahan ng mga coaches ng Ateneo partikular ang kanilang seniors team sa ilalim ni headcoach Tab Baldwin na makakatulong ito ng malaki sa ginagawa nilang preparasyon sa darating na UAAP season na magsisimula sa Setyembre.