Ahron Villena
Ahron Villena

Ni NITZ MIRALLES

NAG-SORRY si Ahron Villena via Twitter sa IG story niya na in all his naked glory, nakita ang kanyang manhood.

Nag-viral ang kanyang IG story na nambulabog sa tila ba nagpistang netizens na nagkanya-kanyang comments.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Pagod+Puyat +Careless Mistake=BoomerangFail! Pressed wrong button. Not meant to be shared. Sorry for the mistake. That’s all there is to it.”

May tumanggap sa pagso-sorry ni Ahron at pinayuhan pa siya to be careful next time. Kung puyat at pagod daw siya, he should stay away from his fone. May nag-comment naman na wala siyang dapat ipag-sorry dahil marami siyang pinasaya sa kanilang nakita.

May mga naniniwala namang sinadya ni Ahron ang pagpapakalat ng kanyang video para raw umingay ang kanyang pangalan. May nagmalaki pang na-save nito ang hubo’t hubad na photo at gagawing wallpaper sa fone nito.

Anyway, nalamang galing sa taping ng La Luna Sangre si Ahron, kaya tama ang sinabi nitong puyat at pagod siya. May nag-comment tuloy na dapat ay inuuna muna niyang matulog bago hawakan ang phone at mag-IG story.