Ni: Orly L. Barcala

Habang isinusulat ang balitang ito ay agaw-buhay ang isang umano’y drug pusher matapos na makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya, sa drug operation sa Valenzuela City nitong Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang tagiliran si Rodelio Leal, alyas “Rodel”, 41, ng San Jeremias Street, Barangay Karuhatan, makaraang barilin ni Chief Insp. Jessie Misal, hepe ng Police Community Precinct (PCP) 9.

Ayon sa report, bandang 9:45 ng gabi nang nakatanggap ng tawag ang PCP 9 kaugnay ng umano’y lantarang pagbebenta ng shabu ni Leal sa kanilang lugar.

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Dahil dito, ikinasa ni Misal ang drug operation, ngunit nakatunog umano ang suspek at pasigaw na sinabi sa pulis na poseur buyer, “P*tang ina mo, pulis ka, kilala kita!”, bago nagtatakbo pauwi.

Hinabol siya ng grupo ni Misal, subalit pinaputukan umano sila ng sumpak hanggang sa gumanti ng putok si Misal at tinamaan ang suspek.

Sinasabing nakumpiska kay Leal ang sumpak na may bala ng M16 at tatlong plastic sachet na may lamang shabu.