Ni NORA CALDERON

TEN years na sa entertainment industry si Marian Rivera na kahit noong bata pa ay madalas nang nakikisali sa mga beauty pageant, at dahil maganda ay marami ang nagtatanong sa kanya kung gusto ba niyang mag-artista. 

MARIAN (2) copy

Hindi pag-aartista ang pinangarap niya noon, dahil ang gusto niya ay maging teacher. Pero dumating ang panahon na nakita siya ni Mr. Antonio Tuviera at pinag-VTR, kaya nagkaroon siya ng TV commercial. Pero tinapos muna niya ang kanyang pag-aaral bago siya tuluyang pumasok sa showbiz. At sabi nga, the rest is history.

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Ngayon, hindi nagbabago kundi lalo pa ngang tumitingkad ang beauty ni Marian. Ano ang sekreto niya para ma-maintain ang kanyang magandang aura, confidence, at pagiging masaya?

“Mas naging masaya ako nang mag-asawa ako, lalo akong sumaya nang magkaroon ako ng Zia, at gampanan sa kanya ang tungkulin ng isang ina,” kuwento ni Marian nang humarap sa reporters sa grand launch ng Snow Crystal White Tomato.

“Pero hindi naman nangangahulugan iyon na dahil busy ka sa pagiging asawa at ina, hindi mo na aalagaan at mamahalin ang sarili mo. Gusto ko kasing maging ehemplo sa kapwa ko nanay na hindi sila dapat matakot na mag-asawa at magkaanak, at sabay mo ring aalagaan ang sarili mo. Dapat din akong maging malakas para sa aking mag-ama, kahit pa nagtatrabaho ako.

“Kaya tinanggap ko itong bago kong endorsement dahil hindi lamang magbibigay ng lakas sa akin ito, mami-maintain ko pa ang health ko. Kaya nga ako, hindi ako tumatanggap ng endorsement hanggang hindi ko pa nata-try gamitin, at masasabi ko ngang malaki ang maitutulong sa lahat ng mga gagamit nito.”

Inamin ni Marian na medyo busy siya ngayon dahil bukod sa Sunday Pinasaya, mayroon pa siyang OFW drama anthology na Tadhana na sa season ender episode ay siya ang itatampok kaya biniro niya ang kanyang hubby na si Dingdong Dantes na idirihe siya. Sa August 3, Thursday na sila magti-taping.

“Nagsimula na rin akong mag-taping ng teleserye ko sa GMA 7, ang Super Ma’am at nai-guest ko na si Kambal (Ai Ai delas Alas) para sa pilot week ko. Tinalakan nga ako sa eksena namin na naglalaban kami sa ibabaw ng train. Sabi niya, matanda na raw siya nag-aaksiyon pa siya. Basta, maganda po ang teleserye namin, na hindi man natupad ang dream kong maging teacher, dito isa akong teacher.

“Pinipili ko na rin ngayon ang roles na gagampanan ko, nagsabi na ako sa GMA na tapos na ako sa pagiging pa-sweet at pa-sexy sa mga roles ko. Tulad ng sabi ko, gusto kong maging magandang ehemplo sa mga manonood naman ng teleserye ko.”

Paano sila magti-taping ni Dingdong since nagsimula na rin ang trabaho nito sa Alyas Robin Hood 2? Usapan kasi nila na hindi sila papayag na walang maiiwan sa kanila kay Zia kapag nagtrabaho na sila.

“Ang taping ko Monday-Wednesday-Friday, si Dong, Tuesday, Thursday at Saturday. Since Thursday ngayon (July 27), may taping si Dong kaya dala ko ngayon si Zia, at after this pupunta raw kami sa mall. 

“Doon lang ako nahihirapan, kapag gabi na at nagti-taping pa ako, dahil nami-miss ko na si Zia. Minsan, tinatawagan ko si Dong na umiiyak ako dahil nami-miss ko na ang anak namin. Sasabihin niya sa akin, makipag-usap ako sa mga kasama ko sa set, para hindi ko maalaala ang anak namin dahil nandoon naman siya para alagaan si Zia.”

Hindi puwedeng makalimutang tanungin si Marian kung hindi pa ba nila susundan si Zia na one year ang eight months na.

“Nagsabi na ako sa GMA, pagkatapos namin ni Dong ng teleserye namin, na magta-try na kaming sundan si Zia. Gusto na rin ni Zia ng baby brother daw. Gusto ko pa rin na magkaanak kami ni Dong ng five. Kambal? Sa huling hirit na ‘yun,” natawang pagtatapos ni Marian.