NAKAMIT ng sundalong si Aillene Tolentino ang korona sa 21 km women’s class, habang nadomina ng Kenyan, sa pangunguna ni Eric Kibiwott ang men’s side ng 2017 Manila Bay Clean-Up Run nitong Linggo sa CCP ground sa Roxas Boulevard sa Manila.
Ginapi ni Tolentino sina Lani Cardona at Jo-Ann Banayag Villamor, habang naungusan ni Kibiwott ang mga kababayang sina Alex melly at Jackson Chirchir,
Sa 10 k race, nanalo sina Junel Gobotia, Reynaldo Villafranca at Rowel Galveto, gayundin sina Luisa Raterta, April Rose Diaz at Lorely Magalona.
Sa mga tumakbo sa 5km, nanguna sina Kurt Jomar Lamparas, James Orduna, Gilbert Rotaque, Maria Lyea Sarmiento, Joiece Gagnaop ar Rica Moreno.
Sa 3km run, bumida sina Aris Arfile, Nicko Cortez, Michael Icao, Luvelyn Pamantian, Marisol Amerga at Mary Ann Perez.
Bilang pagsuporta sa clean-up program ng Sunset Partnership, tumakbo sa 3 km ang mga reyna ng Aliwan Fiesta na sina Steffi Rose Aberastusi, Stepphanie Joy Abellanida, Cynthia Thomalla, at Marla Alforque, gayundin ang mga Miss Philippines Earth beauties.
Sumali rin ang mga kadete ng Philippine Military Academy at gumimik muli ang mga kawani ng Sofitel Philippine Plaza na tumakbo sa 3 km race suot ang kanilang service uniform at may dalang mga tray na tulad ng ginagawa sa marathon sa Europa.
Ang 2017 Manila Bay Clean-up Run ay proyekto ng Manila Broadcasting Company, sa pakikipagtulungan ng mga lungsod ng Maynila at Pasay, kasama ang suporta ng Steeltech, Silka, Hi Sense, Globe, M.Lhuillier. Kenny Rogers at Manila Bulletin.