Ni: (LSJ/PNA)

TINIYAK ni Health Secretary Dr. Paulyn Ubial nitong Miyerkules ang mabilis na proseso sa pagbili ng mga kagamitan para sa mga military hospital.

“It has long been discussed with me and I have started (forming a) special Bids and Awards Committee (BAC), and the procurement of equipment for military hospitals is in process now. Some delivery will be made this week,” pahayag ni Ubial.

Sinabi ng health chief na nabuo na ang special committee bago pa man ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Matatandaan na sa kanyang SONA ay nagpahayag si Duterte ng pagkadismaya sa pagkakaantala ng pagbili ng mga kagamitan para sa mga military hospital, na hadlang sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga sundalo na nasugatan sa labanan.

Sa kasagsagan ng SONA, sinabi ng pangulo kay Ubial, “change the procedure or I will change you” at sumagot naman ang heath chief na gagawin ito.

Ani Ubial, emergency ang pagbili ng mga kagamitan, dahil sa nagaganap na bakbakan ng puwersa ng gobyerno at ng mga miyembro ng ISIS-inspired Maute Group sa Marawi City.

Samantala, inilarawan naman ni Ubial na tapat at mula sa puso ang SONA ng Pangulo.

“It shows his sincerity and compassion for the people. We are proud to be in his Cabinet and we are committed to work harder. He inspired me to do better for our country and our people,” pagtatapos niya.