Ni ADOR SALUTA

SA television viewership survey data ng Kantar Media, lumalamang kung minsan sa ratings ng La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo over Ang Probinsyano ni Coco Martin. Gulat na gulat sila, kaya lubos ang pasasalamat ng KathNiel sa todo-suportang ibinibigay sa kanila ng viewers.

DANIEL AT KATHRYN copy copy

“Ako, eh, sobra’ng pasasalamat ko siyempre sa mga Kapamilya natin na sumusuporta ng La Luna Sangre. Siyempre talagang nababalitaan namin na tuwang-tuwa sila sa mga eksena na napapanood nila and kami naman sa parte namin ay mas lalo pa naming pagbubutihan,” sabi ni Daniel sa isang panayam.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Hindi inaasahan ni Daniel na magiging malakas sa primetime viewing ang kanilang programa.

“Siyempre wala namang expectations sa kahit ano. It’s always give your best, give your one hundred percent sa lahat ng project,” aniya.

Maraming eksena pa raw ang kaabang-abang sa LLS.

“Marami pa ang dapat abangan. ‘Di pa kami nagkikita ni Sandrino, ang dami pa. Nagkita na kami (ni Malia, ginagampanan ni Kathryn) pero hindi ko pa alam kung siya ‘yun. (Abangan n’yo) kung ano pa ang mangyayari sa mundo ng mga lobo at bampira at mga moonchasers.”

Pang-action na raw si Daniel base sa mga nakakamangha niyang pakikipagsuntukan.

“Marami pa akong kailangan gawin, marami pa akong kakaining bigas para maging action star, exciting talaga siya and siyempre bago rin ‘yun sa akin and ang pamilya ko naman may gusto sa action, so masaya ako na naging parte ako ng serye,” sabi ng young actor.

Dismayado naman si Daniel sa reaksiyon ng nakakarami sa bagong hairstyle ni Katyhryn sa serye, na ngayo’y kamukha na raw ni Jake Cyruz (dating Charice Pempengco).

“Nakikita ko (ang comments) pero ito namang mga tao lagi namang ganito. Si Kathryn ang tawang-tawa. Pero wala okay naman,” maikling komento niya.

Nakikiusap ang die-hard KathNiel fans na baguhin sana ng produksiyon ang wig na ipinapagamit sa serye dahil gustuhin man nila o hindi, palpak daw ang wig dahil Jake na Jake ang dating, harapan, talikuran at maging sideviews ng aktres.