Ni NORA CALDERON

MARAMI ang natuwa nang i-announce ng GMA-7 na magkakaroon ng book two ang Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes na ilang buwan lamang namahinga. Bitin kasi ang book one na nagtapos sa pagkakakidnap kay Jaclyn Jose, ang gumaganap na ina ng bida.

JASON DINGDONG AT TESS BOMB copy copy

Muling makakasama ni Dingdong ang buong cast, maliban kay Megan Young na namatay na sa book one. Ano ang mga pagbabagong mapapanood sa Alyas Robin Hood 2?

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

“Todo na talaga dito,” sagot ni Dingdong. “Nang malaman kong tuloy na, nag-training na ulit ako ng bago kong p’wedeng gawin sa aking role. Grateful din kami sa response ng mga tao sa unang season namin. Kung hindi dahil sa kanila, ‘di kami magkakaroon ng pangalawa. Kaya sisiguraduhin namin na dito dodoblehin namin ang mga action scenes na ini-expect nila sa amin.

“Si Dominic Zapata pa rin ang magdidirek sa amin kaya masaya, walang problema at on good terms kaming lahat sa set dahil tulung-tulong kaming magpapaganda ng show. Kilala na kami ni Direk Dom at alam na rin namin kung paano siya magtrabaho, bale comfortable na kami sa isa’t isa.”

Tatlong bagong characters ang papasok sa book two. Si Edu Manzano na excited nang makasama si Dingdong, dahil bilib siya sa pagiging mahusay na artista at mabuting asawa kay Marian Rivera at sa dedication sa anak na si Baby Letizia.

Na-excite din si Ruru Madrid nang malamang kasama siya sa cast. Muli siyang mag-aaksiyon dito tulad ng ginawa niya sa Encantadia at masaya siyang muling makasama si Dingdong na character nito sa naturang fantaserye ang ginampanan niya.

Si Solenn Heussaff ang bagong leading lady ni Dingdong. Muli ring mag-aaksiyon si Solenn tulad din ng ginawa niya sa Encantadia. At tiyak ang labanan nila ni Andrea Torres hindi lamang sa mga action scenes kundi sa paseksihan sa mga eksena.

Next month na mapapanood ang Alyas Robin Hood 2.