Ni: Leonel M. Abasola

May itinatago at nagpoprotekta kay Supt. Marvin Marcos, na isinasangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. at sa bilanggong si Raul Yap, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Sa pagtatapos ng hearing ng Senate committee on public order and illegal drugs at justice committee kahapon, sinabi ni Drilon na malinaw na may nangyayaring “cover up” upang pagtakpan kung sino ang nasa likod ni Marcos.

“Instead of being able to explain what happened, it’s obvious in the hearing today that there’s a deliberate cover up in order to allow Supt. Marcos and group to be reinstated and to be able to post bail,” ani Drilon.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Iginiit naman ni Sen. Panfilo Lacson na lalong pinagtibay ng administrasiyon ni Pangulong Duterte ang proteksiyon kay Marcos at sa mga tauhan nito.

“We have all the reason to suspect na parang kina-coddle masyado si Supt. Marcos dito. Apparently, meron talagang hindi sinasabi at kailangang ma-ferret out pa natin,” pahayag ni Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na mula sa pagpapababa ng murder sa homicide, na inutos ng Department of Justice (DoJ), hanggang sa muling pagbabalik ni Marcos sa serbisyo ay malinaw na may nangyayaring sabwatan.

Sa umpisa pa lang ng pagdinig ay nangapa na ng isasagot si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa hanggang aminin na si Pangulong Duterte ang nagsabi sa kanya na ibalik sa puwesto si Marcos at mga kasamahan nito dahil sayang ang suweldo.

“Your honor, kapag nag-uusap kami ni President, he’s always intimating to me na sayang ang suweldo nila, [sasabihin ng Pangulo] ‘pagtrabahuin mo na ‘yan’,” sabi ni dela Rosa.

“We believe na mayroong hindi magandang nangyari kaya sinuspend siya, at mga kasamahan niya dinemote one rank, kasi may liability sila. But ‘yung pagbalik sa kanila sa puwesto, ibang usapan na ‘yun...I see no reason for me not to obey the orders of President,” dagdag pa ni dela Rosa.