Ni: Chito A. Chavez at Bella Gamotea

Aabot sa P2 milyong halaga ng iba’t ibang droga ang nakumpiska ng Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsalakay sa isang high-end condominium unit sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PDEA Region 4-A Director Archie Grande, 400 gramo ng hinihinalang shabu, 50 hinihinalang ecstasy pills, isang bote ng umano’y liquid meth at iba’t ibang drug paraphernalia ang nakuha mula sa unit.

Nakakumpiska rin ang PDEA agents ng mga dokumento, bank checkbooks at list sa unit.

Eleksyon

ACT-CIS, Duterte Youth, PPP, at 4PS, nanguna sa 2025 Party-List Survey

Nitong Biyernes, inaresto sa buy-bust operation ang umuupa sa unit na si Joan Cuachon.

Sinabi ni Grande na si Cuachon ay bangag sa ilegal na droga nang arestuhin at kalaunan ay nagpositibo sa drug test.

Matapos ang inquest proceedings, si Cuachon ay nasa kustodiya na ngayon ng PDEA Region 4-A office.

Ipinagdiinan ni Grande na ginagawag one-stop shop ng mga drug user ang nasabing unit.