NI: Mary Ann Santiago

Basag ang bungo ng isang motorcycle rider nang magulungan ng pampasaherong jeep matapos na sumemplang sa Tondo, Maynila, na nagresulta rin sa pagkasugat ng angkas nito kamakalawa.

Dead on the spot si Rogelio Azcueta, 59, ng 840 Fullom Street, Tondo habang sugatan naman si Jennet Haniel, 40, ng 746 Pampanga St., Tondo.

Kusang-loob namang sumuko ang driver ng jeep na si Gimar Duhaylungsod, 33, ng 177 San Luis St., Tibagan, San Juan City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ni SPO1 Christopher David, ng Manila Police District (MPD)- Vehicular Traffic Investigation Section (VTIS), naganap ang aksidente sa westbound lane ng Claro M. Recto Avenue, sa kanto ng Severino Reyes St., Tondo, dakong 7:40 ng gabi.

Minamaneho ni Azcueta ang isang Honda Wave motorcycle (ND-80702), kaangkas si Haniel, at bumibiyaheng pakanluran sa Claro M. Recto Avenue nang sumemplang matapos mapadaan sa isang steel platform.

Nagkataon na papadaan din sa lugar si Duhaylungsod, sakay sa kanyang pampasaherong jeep (DFJ-179), at nagulungan ang ulo ng biktima.

Nakatakdang kasuhan si Duhaylungsod ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.