Ni JIMI ESCALA

NAKAKUWENTUHAN namin sa pamamagitan ng telepono ang isang dating Kapamilya female TV host na ngayon ay kuntento at happy sa pagiging ulirang ina at maybahay.

Isa sa mga napag-usapan namin ang tungkol sa sinasabi niyang naging kaibigan niyang veteran lady broadcaster at host ng top-rating show na Rated K na si Korina Sanchez. Siya rin daw ay nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin binabalikan ng asawa ni Mar Roxas ang pagiging radio at news anchor ng Kapamilya Network.

Korina Sanchez
Korina Sanchez
Pero malamang daw ay wala raw kay Korina ang problema kundi sa Kapamilya network. Sa pagkakaalam daw niya ay willing namang bumalik si Korina sa pagiging radio at television anchor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sa pagkakaalam ko, eh, gustung-gusto na ring bumalik ni Korina sa pagiging newscaster and in fairness, isa pa rin naman siya sa maituturing na pinakamagaling sa larangan ng pagbabalita,” sey ng kausap namin.

Matatandaang nagpaalam si Korina sa mga programa niya sa radio at telebisyon nang kumandidato ang asawang si dating senador at cabinet secretary na si Mar Roxas para presidente pero tinalo ni President Rodrigo Duterte.

Mahigit isang taon na ang dumaan pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung kailan mapapanood ng mga tagahanga niya sa telebisyon si Korina.

“For sure, miss na miss na si Korina ng mga fans niya. Kaya kung ako lang ang producer niya, eh, ibabalik ko siya bilang host ng TV Patrol,” sey pa niya.

Samantala, very proud naman si Korina sa pagtatapos sa kolehiyo ng stepson na si Paolo Roxas. Sa Yale University sa Connecticut, USA, lang naman nagtapos ang anak ni Mar Roxas.

Kursong Economics ang natapos ni Paolo Roxas sa Yale. Nag-aaral pa ito ng Mandarin sa Harvard Beijing Academy at labas pa rito ang pag-aaral niya sa London School of Economics.