NEW YORK, NY - SEPTEMBER 27:  Hilary Duff attends the
NEW YORK, NY - SEPTEMBER 27: Hilary Duff attends the "Younger" Season 3 & "Impastor" Season 2 New York Premiere at Vandal on September 27, 2016 in New York City. (Photo by Nicholas Hunt/Getty Images)

Ni: Entertainment Tonight

NINAKAWAN ang bahay ng Younger star na si Hilary Duff sa Los Angeles nitong nakaraang linggo.

Kinumpirma ito ng tagapagsalita ni Duff sa ET, “This is a scary and upsetting situation for anyone to go through, but Hilary is thankful that her family, her staff, her home and her pets are all safe. That said, she has a significant security team in place that will work with the authorities on this incident and handle security measures moving forward.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa TMZ, tinangay ng kawatan ang mga alahas ni Hilary na nagkakahalaga ng daang libong dolyar.

Nagbabakasyon ang star sa Canada – doon nakatira ang kanyang ex-husband na si Mike Conrie – kasama ang kanyang 5-year-old son na si Luca, nang maganap ang pagnanakaw. Nagbahagi ng pictures at videos sa Instagram ang aktres ng kanyang bakasyon.

Si Hilary ang pinakahuling biktima ng pagnanakaw sa Hollywood ngayong taon. Noong Marso, ninakawan din ang bahay ni Kendall Jenner sa Holywood Hills. Ang kaso ay itinaas sa grand theft na ang kabuuang halaga ng ninakaw, kabilang ang kanyang mga alahas, ay $200,000.

Ang iba pang stars – kabilang sina Alanis Morissette, Cesar Millan at Nicki Minaj – ay ninakawan din sa sariling bahay nitong mga nakaraang buwan, kaya may hinala ang otoridad na may bagong “Bling Ring” na pagala-gala.

Sa kasalukuyan ay wala pang pinaghihinalaang suspek sa kaso ni Hilary Duff.