NI: Leandro Alborote

TARLAC CITY - Nabahiran na naman ng sariwang dugo ang highway sa Barangay San Sebastian sa Tarlac City makaraang makabanggaan ng isang pampasaherong jeepney ang Metro Waste dump truck, na ikinasugat ng pitong katao, nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni SPO1 Ranee Navarro ang mga biktimang sina Wilfredo Yanga, 56, driver ng jeep (CXL-960), ng Bgy. Jepmin, Concepcion; Christopher Lao, 22, may asawa, ng Bgy. Matatalaib, Tarlac City; Jennylyn Espinosa, 24, ng Bgy. Sapang Maragul; Rheygie Acdal, 56, may asawa, ng Bgy. Central; Mark Eugene Ebale, 25, ng Bgy. San Vicente; Christina Mandap, 19, ng Bgy. San Roque; at Florentino Salabao, 56, may asawa, ng Bgy. San Rafael, Tarlac City.

Ayon sa pulisya, dakong 5:15 ng umaga nang mag-overtake ang jeep sa sinusundang sasakyan hanggang sa makasalpukan niya ang dump truck (RKE-798) na minamaneho ni Jessie Feliciano, 39, may asawa, ng Bgy. San Jose De Urquico, Tarlac City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog