Ni: Madelynne Dominguez at Mary Ann Santiago

Patay ang isang rider nang masagi ng isang 14 wheeler truck sa Pasig City kahapon.

Sa pamamagitan ng identification (ID) card, kinilala ang biktima na si Jason Labon.

Sa report na ipinarating sa Eastern Police District Command Radio Room, naganap ang insidente sa kahabaan ng Sandoval Avenue, Barangay Pinagbuhatan, dakong 12:30 madaling araw.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

Base sa police report, minamaneho ni Rodolfo Romero ang truck (TUE 222), na kargado ng mga salamin at pagmamay-ari ng J. Antonio Forwarding Services, at patungo sa pier nang mangyari ang insidente.

Ayon sa mga saksi, nasagi ng likurang bahagi ng truck ang motorsiklo kaya nawalan ng balanse ang biktima at tumumba sa semento hanggang sa pumailalim sa truck at napisak.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig City Police Headquarters at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.