Ni: Charissa Luci-Atienza

Nais parusahan ng isang babaeng kongresista ang mga masasangkot sa street, public spaces, at online harassment, kabilang ang nagsasagawa ng cat-calling, pambabastos, at stalking.

Inihain ni AGBIAG Party-list Rep. Michelle M. Antonio ang House Bill No. 5956, at binanggit ang Social Weather Stations (SWS) report na nagsasabing 9 sa 10 babae na nasa edad 18-24, ay nakaranas na ng iba’t ibang uri ng sexual harassment sa kalsada.

Sa ilalim ng HB 5956, nais din niyang parusahan ang mga masasangkot sa pagpapakalat ng malalaswang litrato, pagre-record at pagbabahagi ng litrato at video ng kahit sinong tao nang walang paalam, o kahit anong information online, at iba pang malisyosong gawa.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

Binanggit din niya ang datos mula sa Foundation for Media Alternatives (FMA), sinabing umabot na sa mahigit 160 ang kaso sa online gender-based violence sa bansa.