Ni REGGEE BONOAN

PINAGKAGULUHAN si Marc Abaya pagkatapos ng celebrity screening ng Kita Kita sa Trinoma Cinema 7 nitong Martes para kapanayamin tungkol sa real score nila ni Alessandra de Rossi na napapabalitang girlfriend niya.

In fairness, umiiwas si Marc sa ilang makukulit na entertainment reporters pero hindi siya nilubayan kaya pinagbigyan na niya.

Marc copy copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hindi katulad ni Neil Arce na walang ginawa kundi lumiko sa kanan, lumiko sa kaliwa kaiiwas sa amin sabay diretso sa loob ng sinehan dahil ayaw matanong tungkol sa tunay na estado nila ni Angel Locsin.

Pasimple naming tinanong si Marc kung ano ang nagustuhan niya kay Alessandra. Take note, Bossing DMB, hindi na namin tinanong kung nanliligaw siya, tinumbok na kaagad namin. (So, ano ang pahiwatig mo, manang-mana ka talaga sa bossing mo? --DMB)

“Mahusay na tao,” sagot ni Marc.

Nasasakyan ba niya ang ugali (pagiging moody) ni Alex?

“Dahil totoo, eh, hindi siya plastic lalo na sa industriyang ito na masarap maging kaibigan ang katulad ni Alessandra de Rossi,” seryosong sagot ni Marc na ang likut-likot ng mga mata dahil may sinusundan ng tingin na hindi namin muna pinansin.

Diretsong tanong ulit namin kay Marc, ano na ang estado ng relasyon nila ngayon?

“Very good friends, very close!” pakli ng rocker/actor.

Very close, meaning sila na o may usapan?

“I’ll just say, we keep that between us, anyways, (biglang natigilan si Marc dahil nakatitig na sa kanya si Alessandra), hayan, kung puwede na raw siyang maunang (umalis).

“Siya ang donya ng buhay, si donya, see (sinesenyasan na siya ng aktres na umalis), so if you want to see our friendship, sometimes we post in Instagram things what it is,” pagtatapat ni Marc.

Susog na tanong namin, ilang buwan o taon na silang magkakilala o sweet ni Alessandra.

“We’ve been friends since 2008, ABS-CBN, we were together with Cristine Reyes in a soap drama, from then I transferred to Channel 7 nando’n po siya, Ang Dalawang Mrs. Real. (2014)

“And then we made music video, she asked me to be part of the song, I sang for Swept Away ini-release niya last year, gumawa kami ng music video so I looked at her as a mentor. Again, napakahusay na artista, napakahusay na musikero, ang dami kong natutunan sa kanya,” kuwento ng binata.

Kaya tinanong namin si Marc kung noong ginagawa nila ni Alex ang music video ng Swept Away ay may nararamdaman na ba siya sa dalaga.

“May connection, got connection na napaka-rare. Iba-iba tayo, I mean, sa mundo, and I love her, I mean who she is, very much, she’s very important to me,” pagtatapat ng rumored boyfriend ng aktres.

May usapan ba sila ni Alessandra kung kailan sila aamin sa publiko sa estado ng relasyon nila ngayon.

“Wala pong aamin dahil pinapaalis na po ako ni Donya (ang sama na ng tingin ni Alex sa kanya), pasensiya na po,” akmang aalis na ang binata pero hinabol namin ng tanong kung ano ang terms of endearment nila para sa isa’t isa.

“Tawag ko po sa kanya Donya, ako naman si Pussycat.”

Tulad ng sinulat namin kahapon tungkol sa estado ng relasyon nina Angel Locsin at Neil, bahala na rin po kayo, aming dear readers kung ano naman sina Alessandra at Marc base sa takbo ng interbyu.