Ni ADOR SALUTA

MATAGAL-TAGAL na ring hindi nakakausap ng media si Dina Bonnevie. Kaya sa isang presscon, agad naitanong sa kanya ang estado ng samahan nila ng kanyang ex-husband na si Vic Sotto.

DINA copy

“We’re friends! I mean, siyempre noong bago kaming hiwalay, alam naman natin na hindi, but after couple of years naging magkaibigan kami and na-forgive na ang past and now we’re friends,” sagot ni Dina nang mainterbyu ng Push.com team.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Marami ring nag-aabang ng kanyang komento sa pagdadalantao ni Pauleen Luna na pinakasalan ni Vic noong 2016.

“I’m sure, siguro, if he would have his way, parang he’s too old na to have another child and to start all over again. But siyempre, you cannot take that right away from Pauleen because she has also a right to become a mom and any wife would like to be a mother, di ba? Lalo na kung mahal na mahal mo ‘yung lalaking napangasawa mo, siyempre, di ba gusto mo makita ‘yung naging prutas ng pagsasamahan ninyo?” sey ni Ms. D.

Dahil sa matagal ding pinagsamahan nila ni Bossing Vic hanggang sa maghiwalay at eventually ay naging friends, naikuwento ng aktres ang tila ilan sa worries ngayon ng ex-husband lalo ngayon na expectant daddy na ulit ito.

“I’m sure he’s also expectant, happy. I’m sure he has worries na like... ‘Paano ‘yan kapag may mga PTA sa school mapagkamalan akong lolo ng bata’,” biro ng aktres.

“Kasi nagbibiro siya ng gano’n, eh. Ang sabi ko naman sa kanya, given na ‘yun, alam mo ‘yon, ‘pag punta mo sa PTA lolo ka,” pabiro pa ring dugtong ni Dina. “Or maybe si Pauleen na lang ang mag-attend, but come on, it’s an open book naman. So, I think they don’t care about it.”

Bukod sa iba pa niyang project, looking forward na rin si Dina para sa nalalapit na showing ng Citizen Jake na siya ang gumaganap bilang nanay ng bidang si Atom Araullo, mula sa direksiyon ng legendary filmmaker na si Mike de Leon.