Ni: Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Niyanig ng lindol ang Surigao del Norte kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Philvocs, isang 3.2-magnitude na lindol ang tumama dakong 2:53 ng madaling araw kahapon at ang epicenter ay tumama anim na kilometro sa hilagang-kanluran ng San Francisco, Surigao del Norte.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Iniulat na nasa intensity IV ang lakas ng lindol na tumama sa Anao-aoan, San Francisco, intensity III sa Surigao City at sa bayan ng Sison at intensity II sa mga munisipalidad ng Malimono at Placer, Surigao Del Norte.

Walang aftershock ang naiulat.

Wala ring naiulat na napinsala ang Provincial, Municipal at City Disaster Risk Reduction and Management Councils ng pawang mga lugar.

Ayon sa Philvocs, dakong 12:46 ng madaling araw ng kaparehong araw, isang 3.8-magnitude na lindol naman ang tumama sa timog-silangang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental.