Ni: Rizaldy Comanda

CAMP DANGWA,Benguet – Isang dalagitang mandirigma ng New People’s Army (NPA) ang nasugatan sa engkuwentro kamakailan ang nailigtas sa bayan ng Boliney sa Abra, ayon sa Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) sa La Trinidad, Benguet.

Ang 17-anyos na high school student sa Malibcong, Abra, ay pinaniniwalaang kabilang sa mga rebeldeng naka-engkuwentro ng militar sa Boliney nitong Hulyo 1.

Ayon kay PRO-COR director Chief Supt. Elmo Sarona, bago ang pagre-rescue ay nakatanggap ng text message ang pulisya mula sa isang concerned citizen na nagsabing nagtatago ang sugatang dalagita sa bahay ni Wilson Lawad sa Barangay Amti, Boliney.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Kasama ang mga magulang ng dalagita at mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office, natunton ang bata sa bahay ni Dino Tucyapao, kagawad ng Bgy. Amti, at dinala sa Abra Provincial Hospital sa Bangued.