Ni: Bella Gamotea
Huli na nang mapansin ng isang lalaki na sira ang bisikletang kanyang tinangay sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.
Kasalukuyang iniimbestigahan at nakakulong sa Pasay City Police si Vandolph Sadie, 24, makaraang sumablay sa pagtangay ng bisikleta ng isang kagawad sa Barangay 38, Cartimar Street ng nasabing lungsod.
Base sa ulat, inaresto si Sadie sa aktong tinatangay ang bisikleta sa Cartimar St., dakong 3:00 ng madaling araw.
Hindi nakapalag sa mga residente ang suspek na ginamit ang sirang bisikleta sa pagtakas.
Napag-alaman na si Sadie, base sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera ng barangay, ay sangkot sa mga insidente ng pagnanakaw sa lungsod.