Ni: Nitz Miralles

NAKA-FULL BANGS si Sunshine Dizon nang dumalo sa launching ng Yes! 100 Most Beautiful Stars na kasama siya sa Bankable Stars category. Hindi namin agad siya nakilala at napagkamalang si Carmina Villarroel ang papalapit sa amin.

SUNSHINE copy copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Noong nasa harap na lang namin nakilalang si Sunshine ang naka-full bangs na in fairness, bumagay sa kanya.

Positive ang feedback sa bagong hairstyle ni Sunshine na sabi niya, ang kaibigang si Iza Calzado ang kanyang idol at ginaya.

Nauna nang magkaroon ng bangs si Iza. Kaya nang batiin ni Iza si Sunshine ng, “Hello Bangs!!!” ang sagot ni Sunshine ay, “Because we are soul sisters.”

Hinihintay na ng viewers ng Ika-6 Na Utos na lumabas si Sunshine sa number one daytime program with her bangs at excited na silang malaman kung paano ii-incorporate ng writers ang bangs ng aktres sa istorya ng show.

Dahil pala sa matitinding eksena sa Ika-6 Na Utos, bumili si Sunshine ng portable bathroom. Para kahit may eksena sila ni Ryza Cenon na pagulung-gulong sa putikan o kaya’y nagbubuhusan ng drinks gaya ng chocolate drinks, hindi na mamumrublema sa kanya ang production staff.

Pati portable CR bumili na si Sunshine and together with the portable bathroom, magagamit din niya ito sa mga susunod pa niyang show sa GMA-7.