Ni: Reuters
ANG sci-fi drama na Westworld at ang satirical sketch show na Saturday Night Live ang tumanggap ng pinakamaraming nominasyon sa Emmy awards nitong Huwebes, tig-22 sa listahan na napuno ng bagong contenders at sumasalamin sa booming era ng telebisyon.
Dahil ineligible o hindi na maaaring maging nominado ang reigning Emmy champ na Game of Thrones ngayong taon para sa highest honors sa television at napapanood na sa seventh season ngayong summer, nabuksan ang pintuan para sa limang bagong palabas na maglalaban-laban para sa top prize ng best drama series.
Ang crowded race ay kinabibilangan ng British royal series na The Crown at supernatural mystery na Stranger Things, parehong napapanood sa Netflix; Hulu’s breakout dystopian women’s series na The Handmaid’s Tale na pinagbibidahan ng best actress nominee na si Elisabeth Moss; at ang NBC emotional family drama na This Is Us.
Sinabi ni Peter Morgan, creator ng The Crown, na siya ay “chuffed, thrilled, proud, honored!” sa 13 nominasyon ng show.
Binanggit ni Television Academy Chairman Hayma Washington ang “explosive growth” sa telebisyon, na mahigit 400 scripted shows ang naglalaban-laban sa atensiyon ng mga manonood sa streaming, cable at broadcast networks.