Ni: Mary Ann Santiago

Aprubado kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang barangay elections at magtalaga na lamang ng mga opisyal ng barangay.

“Pagbigyan muna natin ang ating Pangulo, higit siyang nakakaalam. Abogado siya at dating mayor, alam niya ang dapat gawin, kaya tulungan na lang natin,” sabi ni Estrada sa mga mamamahayag, matapos mamahagi ng construction materials at grocery items sa mga nasunugan sa Paco at Sta. Mesa, kamakailan.

Nakatakdang idaos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 23, 2017.
Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco