Ni: Orly L. Barcala
Duguan sa saksak ang isang Grade 7 nang pagsasaksakin ng kapwa estudyante, na umano’y nam-bully sa kanya, sa tapat ng kanilang paaralan sa Navotas City kamakalawa.
Dahil sa malalim na saksak sa likod at braso, agad isinugod sa Tondo Medical Center ang biktima, 13, ng Barangay Tangos, Navotas City.
Tinutugis naman ng awtoridad ang suspek, Grade 8.
Base sa report, naganap ang pananaksak sa tapat ng Tangos National High School, dakong 8:30 ng gabi.
Binully umano ng suspek ang biktima at nauwi sa suntukan hanggang sa naglabas ng patalim ang suspek at makailang beses sinaksak ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.