Ni: Yas D. Ocampo
ISULAN, Sultan Kudarat – Limang katao ang napatay at aabot sa P800,000 ang halaga ng shabu na nasamsam sa magkasanib na operasyon ng pulisya, militar at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Kabakan, Cotabato, madaling araw ng Miyerkules.
Kinalala ang mga nasawi na sina Kuren Udteg Acoy, alyas Kumander Butrterfly, 35, itinuturing na No. 1 sa listahan ng PDEA; Ali Araneta Salim, 28, ng Shariff Kabunsuan, Cotabato City; Gardo Kalmo Tapa, 25, ng Barangay Balong, Midsayap, Cotabato; Valencia Madaliday Guaibel, 42, ng Barangay Kayaga; at Abdul Udteg Acoy, 35, ng Plang Village.
Tatlo pang katao ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng PNP, PDEA at mga sundalo mula sa 7th Infantry Battalion ng Army.
Sila ay sina Ismael Musa Abdul, Mamadatu Musa Abdul, 36, at Solaw Sawa Talidtig, 35, puro taga Kabakan.
Nakuha rin mula sa mga suspek ang drug parphernelia, dalawang caliber .38 revolver at isang caliber .45 na pistol, tatlong cell phone at mga bala at isang granada.
Tiniyak ng pamunuan ni PDEA sa Region 12, Dir. Gil Cesario Castro na mahaharap sa kaso ng illegal possession of drugs ang mga suspek.