NI: Jimi Escala

KINUMPIRMA ng aming kaibigang si Eric John (EJ) na isa sa malalapit kay Pokwang na ipinasok sa hospital ang komedyanang aktres.

Pero nothing to worry raw ang mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Pokwang dahil palabas na rin ito sa hospital habang sinusulat namin ang balitang ito.

POKWANG copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Dahil sa maselang pagbubuntis kaya ipinasok sa hospital si Pokie. Kailangan daw kasing pangalagaan nang husto ang kalusugan niya para sa kapakanan ng bata sa kanyang sinapupunan.

Kaya sa konting kibot at kakaibang pakiramdam lang pangangatawan ay kailangan agad ni Pokwang ang doktor niya.

“Palabas na siya mamaya sa hospital. Kailangan lang niyang maging mas maingat sa mga gagawin at galaw niya, pero okey na okey na siya at pati na ang bata na ipinagbubuntis niya,” sey ni EJ.

Ngayong 44 years old na si Pokwang, dapat na naka-total rest siya habang nagbubuntis. Ito ang dahilan kaya isinantabi muna niya ang lahat ng kanyang showbiz commitments.

“Higit na kailangan niya ngayon ang prayers natin para mas maging maayos at safe ang kanyang pagbubuntis,” banggit pa ng malapit na kaibigan ni Pokwang.