Ni: Reggee Bonoan

AWARE kaya si Direk Paul Soriano, may-ari ng Ten17 Productions, na nasa ruling ng Metro Manila Film Festival 2017 selection committee na isa lang ang dapat na maging official entry ng bawat lead star at director para magkaroon ng chance ang ibang gustong sumali?

JERICHO copy

Una nang na-approve ng MMFF 2017 committee ang script ng Almost Is Not Enough ng Quantum Films na pagbibidahan nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado.

Human-Interest

Car owner hinahanting; tinakbuhan daw ₱1,826 na bill sa gasolinahan?

Sa panayam namin kay Atty. Joji Alonso, producer ng Quantum Films, hindi pa sila makapagsimula ng shooting dahil hinihintay nila ang availability ni Echo.

Busy si Echo dahil tinapos ang pelikulang Siargao sa produksiyon ni Direk Paul na ngayong tapos na ay tumawag daw sa MMFF secretariat ang staff ng Ten17 Productions kung puwede pa silang magsumite ng finished film.

Na-inform kaya si Direk Paul sa bagong ruling ng MMFF o baka naman alam niya at nagbakasakali lang siyang baka puwede pang lumusot since tapos na ang pelikula nila ni Echo kumpara sa Quantum na hindi pa nasisimulan?

Hiningan namin ng reaksiyon si Atty. Joji tungkol dito na ang nasabi lang ay, “Wala, Reg.”

Pero bago nabasa ni Atty. Joji ang write-up, nasambit niyang, “’Di ko alam bakit ganu’n ang tanong ni Paul alam naman n’ya pasok ang project namin with Echo.”

Tinext namin si Direk Paul para hingan ng panig bago namin sinulat ang item na ito pero hindi kami sinagot.