LOS ANGELES (AP) — Ipinagtanggol ni Patton Oswalt ang kanyang engagement sa online critics na nagsasabing napakaaga pa para magpakasal ng komedyante na nitong nakaraang taon lamang namatayan ng asawa.

Ibinahagi ni Oswalt nitong Sabado ang link sa post ng pagtatanggol sa kanya ni Erica Roman, isang blogger na namatayan ng mister halos kasabay ng pagpanaw ng misis ni Oswalt na si Michele McNamara, habang natutulog noong Abril 2016.

Ayon kay Oswalt, nakaramdam siya ng galit sa mga batikos. Sinabi niya na noong una ay nagpasya siyang huwag nang pansinin ang “grub worms,” ngunit mas malinaw na naipahayag ni Roman ang kanyang nararamdaman.

Ayon sa post ni Roman, walang karapatang magbigay ng opinyon ang sino mang bumabatikos kay Oswalt dahil hindi nila napagdaanan ang kanyang mga naranasan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinahayag ni Oswalt ang kanyang engagement sa aktres na si Meredith Salenger nitong nakaraang linggo.