Ni JIMI ESCALA

MARAMI ang bumilib sa ginawa ni Nadine Samonte sa isang may edad nang tagahanga na may sakit na kanser. Pinasaya ni Nadine ang nasabing fan nang personal niyang imbitan para manood ng live sa It’s Showtime ng ABS-CBN.

Isang sulat kasi ang natanggap at nabasa ng ina ni Nadine sa mail box sa tinitirhang condo unit ng young actress at napag-alaman nila kung gaano pahalagahan ng naturang tagahanga si Nadine.

NADINE copy copy

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Nakasaad sa sulat na tuwing nakakaramdam ng sobrang sakit ang fan dulot ng kanyang kanser ay nawawala ito kapag pinapanood ang dalaga.

Dala na rin ng awa ni Nadine sa tagahanga, siya mismo ang nag-request ng pass para makapasok sa studio at mapanood siya nito sa live telecast ng noontime show ng Kapamilya Network na isa ngayon sa regular hosts ang young actress.

Sobra-sobrang kaligayahan ang naranasan ng tagahangang may karamdaman lalo na’t nakaharap at nakausap pa nito ang idolo. At siyempre, with matching yakap pa ni Nadine na mahigpit.

Binanggit ng tagahanga na kahit saglit lang ang pagkakataon na ‘yun ay napakalaking bagay na para sa kanya. Dagdag pa ng maluha-luhang tagahanga, hindi nito makakalimutan ang tagpong iyon, ang personal na pakikiharap, pakikipag-usap at pagyakap sa kanya ng mahal niyang idolo.

Samantala, kung umani ng mga positibong komento ang pagpapahalagang iyon ni Nadine sa isang tagahangang may kanser, tuluy-tuloy pa rin ang mga negatibong reaksiyon ng netizens sa naging kasagutan ni Nadine tungkol sa isyung nagli-live in na sila ng kasintahang si James Reid.

“If that was true, so what?” sagot ng dalaga.

May karagdagang komento pa si Nadine na kung totoo man daw ‘yun ay normal na raw ‘yun dahil 2017 na.

Siyempre, mas nakararami ang hindi sumasang-ayon sa pahayag ni Nadine na sobrang liberated raw at medyo nakakalimutan daw yata na kahit 2017 na ay marami pa ring mga Pilipino na tumatalima sa konserbatibong tradisyon sa pag-aasawa.