Ni: Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Niyanig ng lindol ang Surigao del Norte, Davao Occidental, at Davao Oriental, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.

Sa tala ng Phivolcs, tumama ang 2.4 magnitude na lindol sa Surigao del Norte bandang 11:30 ng gabi nitong Sabado, Hulyo 8, at ang epicenter ay nasa 11 kilometro sa timog-kanluran ng bayan ng Libjo (Albor).

Bandang 12:29 ng umaga naman kahapon, Hulyo 9, nang maitala ang 3.7 magnitude sa 131 kilometro sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa Davao Oriental, may lakas na 4.0 magnitude ang yumanig bandang 10:03 ng umaga kahapon sa 204 na kilometro sa timog-silangan ng bayan ng Governor Generoso.

Walang aftershocks o tsunami alert na inilabas ang Phivolcs.

Wala ring naiulat na nasaktan o napinsala sa mga pagyanig.