Ni: The Wrap

LIGTAS nang naiuwi sa bahay si Jade, anak ng Gotham star na si Donal Logue, na huling namataan noong Hunyo 26, ayon sa tagapagsalita ng aktor.

“Jade is now safely back home with her family. Donal is incredibly thankful for everyone’s support, and especially to the NYPD, FBI and Team Adam NCMEC for her safe return,” pahayag ng tagapagsalita.

Donal copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagpasalamat ang aktor sa suporta ng lahat nang mag-post ito sa social media nitong nakaraang Sabado.

Isinapubliko ng aktor ng pagkawala ni Jade sa pamamagitan ng social media pagkaraan ng isang araw simula nang mawala ito. Nakasaad sa tweet: “Missing- yesterday at 2PM Barclays Center/Fort Greene Brooklyn: my child, Jade Logue, 6’2”180 lime green hoodie dark green military parka.”

Ilang araw na naging desperado sa paghahanap si Logue kay Jade, kaya nasundan ang kanyang post, sa pamamagitan naman ng Facebook: “…I love her and who she is and her tribe is strong (I’ve met many wonderful people through Jade), but there are some predators who swim among their ranks knowing they’re dealing with sweet, trusting souls. We want you home Jade. Whoever knows where she is, whoever may be with her– clearly this thing has become big and crazy…”

Nitong nakaraang Huwebes, nag-post ulit ang aktor at muling nakiusap sa anak. “Jade, c’mon home, you sweet, beautiful, soul. We love and miss you dearly,” sabi niya sa post.

Ipinanganak na lalaki si Jade at pinangalanang Arlo Logue ngunit itinuturing ang sarili bilang babae.

Noong 2006, nag-post si Jade tungkol sa kanyang pagiging transgender kaakibat ang kanyang takot na hindi siya matatanggap ng lipunan.

“Shoutout to being trans cant wait to be assaulted for absolutely no reason other than existing,” aniya sa post.

Gumanap si Donal Logue bilang Detective Harvey Bullock sa Fox drama na Gotham. May isa pa siyang anak, si Finn Logue, sa dating asawa na si Kasey Walker.