Ni: Bella Gamotea
Umabot sa 598 katao ang pinagdadampot ng awtoridad sa One Time, Big Time (OTBT) operations sa Pasay at Taguig City, nitong Biyernes ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ni Supt. Deanry Francisco, assistant chief for operations ng Pasay City Police, sinuyod ng mga pulis ang 200 barangay ng lungsod na sanhi ng pagkakahuli ng 110 katao, dakong 9:00 ng gabi.
Samantala, dinampot naman ng mga tauhan ng Taguig City Police ang 474 na katao sa ilang lugar sa siyudad, simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.
Nasagip naman ang 120 menor de edad na nadatnang pakalat-kalat sa kalsada sa kabila ng umiiral na curfew.