HAGATNA, Guam (AP) – Tatlong Pilipino ang namatay habang nagtatrabaho sa loob ng isang sewer manhole sa Saipan.

Iniulat ng Pacific Daily News na sinabi ng abogado ng Commonwealth Utilities Corporation na si Attorney James Sirok, na pinaghihinalaang toxic fumes ang ikinamatay ng tatlong lalaki noong Biyernes.

Iniimbestigahan na ang Commonwealth Utilities Corporation ang insidente.

Ayon sa Commonwealth Utilities Corporation at Department of Fire and Emergency Medical Services ng Commonwealth of the Northern Mariana Islands, ang tatlong manggagawa, na nagmula sa Pilipinas, ay mga empleyado ng USA Fanter Corp., na kinontrata ng Commonwealth Utilities Corporation para magkabit ng mga bagong pump sa wastewater lift station.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na