Ni: Jun N. Aguirre

KALIBO, Aklan - Aabot sa 19 na hepe ng pulisya sa buong Western Visayas ang sisibakin sa puwesto dahil sa umano’y malamyang pagtupad sa kampanyang sugpuin ang ilegal na droga sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon kay Senior Supt. Gilbert Gorero, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-6, tatlo sa nasabing bilang ay sa Aklan, isa sa Antique, at anim sa Capiz. Ang iba pa ay nagmula sa Iloilo lahat.

Kasabay nito, nilinaw ni Gorero na walang problema sa kampanya kontra droga ang Guimaras at Iloilo City, ang kabisera ng rehiyon.

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

Ang pagsibak sa mga hepe ay batay sa accomplishment ng mga ito sa Oplan Tokhang (15%), community relation (5%), imbestigasyon (5%), at commander's initiative sa pagpapatupad ng Oplan High Value Target at Street Value Target (70%).

Ayon kay Gorero, ililipat lamang ng puwesto ang mga opisyal ng pulis para matiyak na mapapanatiling aktibo ang kampaniya ng rehiyon laban sa ilegal na droga.