Ni: Mike U. Crismundo

SURIGAO CITY – Inaresto ng custodial police jailer ng Surigao City Police ang dalawang lalaki sa pag-iingat ng hinihinalang shabu na isinilid sa tinapay na ensaymada at binalot sa puting cellophane bag.

Sa flash report na natanggap kahapon ni Police Regional Office (PRO)-13 director Chief Supt. Rolando B. Felix mula kay Surigao del Norte Police Provincial Pffice director Senior Supt. Antony B. Maghari, dinakip sina Daniel A. Magcosta, Jr., 32, negosyante; at Emilio D. Rubi, 19, kapwa taga-Barangay Washington, Surigao City, sa lobby ng presinto makaraang matuklasan ng custodial police jailer ang shabu na nasa loob ng bitbit nilang ensaymada.

Ayon kay Maghari, dadalawin ng mga suspek ang isang nakakulong sa kasong droga sa nasabing himpilan nang matuklasan ni PO2 Joemar O. Becerro ang shabu sa ensaymada.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?