1200 copy

OAKLAND, California (AP) — Nakipagkasundo si center Zaza Pachulia sa halagang US$3.5 milyon sa loob ng isang taon para manatili sa Golden State Warriors, ayon sa kanyang agent na PSI Mark Bartelstein.

Kabilang si Pachulia sa three-center rotation ng Warriors sa nakalipas na season kung saan naitala niya ang averaged 5.1 puntos, 3.8 rebound sa loob ng 14.1 minuto sa postseason.

Sa nakalipas na season, tumanggap si Pachulia ng US$2.9 million.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bunsod nito, kabilang ang pambato ng Republic of Georgia sa ‘core’ ng Warriors para sa kampanyang makuha ang back-to-back title.

Nakatakdang lumagada ng bagong kontrata si two-time MVP Stephen Curry sa record US$201 million sa loob ng limang taon, habang si Finals MVP Kevin Durant ay nakipagkasundo para sa US$53 million para sa susunod na season.